top of page
About the Author

5 Main Reasons Why Prospect(s) Don’t Join MLM Business (Sponsoring Tips for a Network Marketing Newb

  • jtbillan
  • Oct 5, 2014
  • 7 min read

Sa ngayon, gusto kong i-share sayo ‘yung mga bagay na mismong na-experience ko nung nag-uumpisa pa lang ako sa (MLM) Multi-level Marketing/Network Marketing Business (doing it offline before) para magkaroon ka ng idea kung bakit patuloy na nangyayari ‘yung mga bagay na lingid sa kaalaman mo. Malamang nai-experience mo rin ito ngayon dahil hindi sinabi sayo ng upline mo ‘yung totoo kung ano ba talaga ang mga dahilan bakit hanggang ngayon nag-iisa ka parin sa business mo, walang downline at walang sariling grupo. Kung ikaw ay isang full-pledge Pinoy Network Marketer, malamang alam mo na karaniwang problema sa MLM business ay ‘yung hindi pag-join ng isang prospect o invite na dinala mo sa inyong company at pina-attend ng Business Orientation Meeting (BOM). Dapat mong maunawaan at tanggapin sa sarili na hindi lahat ng mga prospects na nasa listahan mo ay sasali agad sa business na ino-offer mo sa kanila. Hindi rin lahat ng naka-attend ng business presentation ng company mo ngayon ay magkakaroon ng interest para mag-join sa business at sa team mo. Maaaring ‘yung iba sa kanila ay gusto rin mag-join agad pero walang pera na pang-invest.


MLM Attraction Marketing

Iba-iba ‘yung mga dahilan kung bakit may mga taong hindi mo talaga mapapa-join sa MLM business kahit gaano kaganda ng company, ng products at ng compensation plan na pinakita mo sa kanila at kahit anong gawin mo. Para matulungan kita na maunawaan lahat at maiwasan mo na ‘yung mga pagkakamali sa susunod, ipapakita ko sayo ‘yung mga main reasons kung bakit karaniwan sa MLM business ‘yung mga prospects na hindi qualified para maging business partners mo at maging part ng inyong team.


Main Reason No. 1 – No Investment

Ito ‘yung nangunguna sa madalas na dahilan ng mga prospects mo bakit hindi sila sumali, “wala akong pera!”. Madalas kong napapansin sa mga networkers na kapag sinabi ng kanilang prospect o invite na “wala akong pera!”, nauutal kaagad sila sa isasagot at ‘yung iba naman ay daldal agad ng daldal na hindi muna inaalam ‘yung side ng prospect o invite kung wala ba talagang pera o kung nagpapalusot lang. Ang nangyari, imbes na maging interesado ito, na-bad trip tuloy at naging negative ‘yung impression sa networking kaya hindi sumali.


Ganito ‘yung pwede mong gawin kapag may isang prospect o invite kang walang pera. Kailangan mo munang alamin kung nagpapalusot lang ba talaga siya o hindi sa pamamagitan ng pag-alam ng kanyang personal and educational background (kalagayan sa buhay). Ang pag-alam sa kanyang kalagayan sa buhay ay magbibigay sayo ng tamang idea kung anong source of income meron siya. Dito ka makakahanap ng butas kung talagang gumagawa lang siya ng alibi para makalusot sa usapan. Kapag nalaman mo na nagpapalusot lang siya, ‘wag mo nang sayangin ‘yung time mo dahil hindi talaga interesado at hindi mo talaga siya mapapa-join sa business.


Samantala, kapag nagpakita naman ng interest at gustong sumali ng prospect mo pero walang pera na pang-invest, pwede mo siyang bigyan ng tips at sabihin mo sa kanya ‘yung ginawa mong paraan at maging ng iba mong mga kasama sa team para magkaroon siya ng idea kung paano mabuo ‘yung particular amount ng investment at nang makapagsimula agad siya sa business.


Main Reason No. 2 – Wrong Timing

Ang pangalawang dahilan kung bakit wala kang downline hanggang ngayon ay “wrong timing”. Bakit wrong timing? Dahil wala sa tamang oras at lugar ang pag-invite mo sa prospect para papuntahin sa business orientation ng inyong company. Sa madaling salita, sapilitan ang ginawa mo na para bang gusto mong madaliin ang pagkaroon ng malaking income. Relax lang partner dahil may tamang proseso ang lahat ng bagay na gusto mong mangyari! :-)


Madalas kong napapansin sa mga networkers at sa ibang mga uplines lalo na sa company namin ay ‘yung tipo na basta na lang maka-invite kahit hindi naman dapat i-invite ‘yung tao. Halimbawa, isa sa mga taong nakausap ko pagkatapos mag-present ng business ay katatapos pa lang ng operasyon niya sa sakit sa puso at baon pa sa utang dahil sa mga ginastos niya sa pagpapagamot at sa ospital. May isang prospect din ako na na-invite nung umpisa na kapo-promote pa lang sa trabaho at sobrang busy pa niya dahil sa transition ng mga ginagawa niya sa opisina kaya hindi niya alam kung paano gagawin ‘yung MLM business kung sakaling mag-join man siya. At marami pang prospects na merong iba-ibang pinagdadaanan sa buhay ‘yung na-encounter ko along the way na ginagawa ko ‘yung MLM business.


Kapag ganun ‘yung nangyayari sayo ngayon, I advise na tigilan mo muna ito at maghanap ka ng ibang effective strategy dahil mali ‘yung timing mo kaya hindi sumasali ‘yung mga prospects na nai-invite mo. Paulit-ulit lang itong mangyayari sayo kapag hindi mo i-sort out ng tama ‘yung mga prospects o taong i-invite mo sa negosyo. Maaring nagustuhan nila ‘yung pinakita mong negosyo, pero hindi komo nagustuhan nila ay sasali na sila agad. Nasa tamang oras ‘yung pag-invite o pag-present ng negosyo para makumbinsi mo ‘yung prospect mo na sumali. Dapat mo lang alamin at matutunan ‘yung tamang timing para mapadali ‘yung trabaho mo sa MLM. Lagi mong isaisip, hindi mo kailangang pahirapan ‘yung sarili mo araw-araw para lang may mapa-join ka ng sapilitan at kumita ng malaking pera ng pang-one time lang, ‘yung tipo ng experience na hindi na mauulit muli.


Para sa mga Pinoy networkers na katulad ko, lagi nating tandaan na isang beses lang pwedeng i-present ‘yung negosyo sa prospect at kung lagi tayong nasa wrong timing ay parang sinusunog lang natin ‘yung market na meron tayo. Kung mag-iinvite rin lang naman tayo ng isang prospect, mas maganda kung nasa tamang timing na para sulit ‘yung pag-invite sa kanya. Ang kailangan lang gawin ay alamin ‘yung background ng isang prospect na imbitahin sa negosyo, ‘yung mga bagay na pinagkakaabalahan nito sa buhay at ‘yung oras at araw na available ito para ma-schedule ng tama nang sa gayon ay swak ‘yung pagpapaintindi tungkol sa negosyo. Hindi natin kailangang magmadali kasi minsan sa kamamadali natin na kumita ng malaki, lalo lang natin pinapatagal at binabagsak ‘yung negosyo imbes na lumago ito dahil ‘yung hindi natin namamalayan ay puro hindi qualified ‘yung mga klase ng prospects na kinukuha natin para maging business partners. Ika-nga, “time is gold” kaya ‘wag nating sayangin ‘yung oras sa pagkausap sa mga hindi qualified na prospects. Mas mainam kung “slowly but surely” ‘yung proseso papunta sa success natin sa MLM.


Main Reason No. 3 – Bad Experience

Ang dahilan na ‘to ay madalas mong ma-encounter kapag nag-invite ka ng kaibigan o kakilala at maging ‘yung mga taong hindi mo kilala. Familiar ka ba sa mga tao na nagsasabing marami silang kakilala na sumali sa networking pero hindi naman kumita? Malamang “Oo” ‘yung sagot mo. Dahil kung hindi ka familiar dito, masasabi ko na hindi mo ginagawa ‘yung mga bagay na dapat mong gawin bilang isang Pinoy networker. Kung gusto mong mapa-join sa business at sa team mo ‘yung isang prospect na merong “bad third-party experience” sa network marketing, ang kailangan mong matutunan ay kung paano i-address ‘yung problema nila sa negosyo mo.


Dapat mong alamin ‘yung mga totoo o aktwal na dahilan kung bakit may mga sumali sa MLM o network marketing business ng kahit anong MLM company na hindi kumita at ‘yung mga effective marketing strategies na dapat gawin ng isang tunay na negosyante para kumita sa kanyang MLM business. Kailangan mong ipaintindi ng maayos sa prospect o invite mo na hindi madi-determine ng experience ng ibang tao sa MLM ‘yung pagkakaroon niya ng income sa business, anupat ‘yung magiging income niya dito ay depende sa performance niya at hindi naka-depende sa performance nung kakilala niya o nung ibang tao na hindi kumita sa ganitong klase ng negosyo.


Main Reason No. 4 – Lack of Confidence

Ito ay isa sa mga pinaka-mabigat na dahilan ng isang tao para hindi siya sumali sa MLM business kahit na na-impress pa siya sa business presentation ng isang MLM company at nagpakita ng interest. Sila ‘yung tipo ng tao na magtatanong sayo ng “pano kung wala akong mapasali?” at “hindi kasi ako magaling sa sales o mag-sales talk”. Ang kakulangan ng isang prospect sa tiwala sa kanyang sariling kakayahan ay dahil na rin sa kakulangan niya sa kaalaman kung paano ginagawa ‘yung MLM business ng tama. Maraming tao na naka-attend ng MLM business orientation ay iniisip agad ‘yung mga responsibilidad na gagawin nila kapag sumali rito. Ang madalas nilang nakikita ay ‘yung mga bagay na nagiging dahilan o nagiging hadlang para hindi sila magtagumpay sa negosyong ito. Sila ‘yung mga tao na gustong mag-negosyo kunyari pero palaging may negative outlook sa kahit anong bagay, nakabubuo agad ng advance conclusion tungkol sa pagiging failure at pagkalugi sa negosyo kahit hindi pa ito nasubukan.


Kung gusto mo talagang mapa-join sa business at sa team mo ‘yung isang prospect, kailangan mo lang gawin, ipakita sa kanya kung paano mo ginagawa ng tama ‘yung negosyo at ipaalam mo sa kanya na kaya niya rin gawin ‘yung ginagawa mo. Pwede mo rin ituro sa kanya ‘yung mga effective marketing skills and strategies na ginagamit mo sa business para kumita ng malaki kapag nag-join na siya sa team mo. Laging tandaan, para kumita ng malaki sa networking, gawin mong madali sa mata ng ibang tao ‘yung ginagawa mo para ma-encourage silang gayahin ka.


Main Reason No. 5 – Lack of Desire

Sa lahat ng pweding i-dahilan sayo ng invite o ng prospect mo para hindi siya sumali sa business at sa team mo, ito na siguro ‘yung pinaka-mahirap i-handle sa lahat, “lack of desire”. Sa totoo lang, ‘yung mga taong may lack of desire na gawin ‘yung isang bagay ay mahirap kausapin dahil close-minded ito pagdating sa opportunity. Mas makabubuti sayo kung ‘wag mo nang kausapin ‘yung ganitong klase ng tao dahil wala kang mapapalang maganda. Kung ‘yung kausap mo ay ayaw talaga gawin ‘yung negosyo na ino-offer mo at ayaw kumita, ibig sabihin ay kontento na siya sa kung anong meron siya sa buhay ngayon. Tandaan mo palagi, bilang isang Pinoy networker, ikaw ‘yung may pinaka-malahagang oras sa lahat at kung ‘yung kausap mo ay masyadong maraming dahilan para gawin man o hindi ‘yung negosyo, hindi mo na dapat sayangin ‘yung oras mo sa kanya. Isipin mo ito at i-apply sa network marketing business mo, “in marketing, offering something to someone who didn’t show an interest for what you are offering is a huge mistake”. Kaya ‘wag mo nang ulit-ulitin ‘yung ganitong pagkakamali para magawa mo na ng tama ‘yung MLM business mo at magkaroon ng resulta o maging successful sa hinaharap.


Sana makatulong sayo ‘yung post na ito kahit sa simpleng paraan para magamit mo sa araw-araw na pagni-network. Please don’t be shy to share your views by posting your comments below and clicking the like button.


Thanks for your valuable time reading this blog post.


Your business partner to success,


Jeyrom Billan

MLM Blogger and Online Network Marketer

 
 
 

Commentaires


Comments:

  • Google+ Long Shadow
  • Facebook Long Shadow
  • LinkedIn Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
MLM Attraction Marketing

With almost three years of experience as a Corporate Marketing Assistant in PLDT Alpha Enterprise for the past couple of years. Now, turned my career completely in a business as an Online Network Marketer with one of the finest Network Marketing Industry in the Philippines and being the w1nning Network Marketing Company...

"We are born to win!"

MLM Attraction Marketing
bottom of page