top of page
About the Author

How To Pledge Your Success In MLM Business

May ipagagawa ako sayo, okay lang ba? Gusto kong mag-IMAGINE ka ngayon na nasa ganito kang senaryo…


Isang gabi, habang patulog na kayo ng pamilya mo, may narinig kang mga kaluskos sa labas ng bahay nyo. Hindi mo ito pinansin kasi sabi mo, “baka pusa lang na dumudumi”. Pagkalipas ng ilang sandali ay nagulat ka na lang nang biglang may kumalabog na malakas. May sumipa sa pinto ng bahay nyo! Boom!!!


Pinasok pala kayo ng mga terorista. Takot na takot kayong lahat dahil ‘yung apat na lalaki ay nakamaskara, itim ang mga suot nilang long sleeves, malalaki ang mga katawan at lahat ay may mga hawak na baril. Ang nangyari…


“Pinaluhod lahat ng miyembro ng pamilya mo sa sahig (maliban sayo) at tinutukan sila ng mahahabang baril sa ulo. Tapos lumapit sayo ‘yung lider ng mga terorista at sinabi…”


“kapag hindi ka nakapag-recruit ng isang downline sa MLM business mo ngayong araw na ‘to sa loob lamang ng walong oras, pasasabugin namin ang mga ulo ng pamilya mo!”


Ngayon ito ‘yung tanong:


Magagawa mo kaya lahat ng paraan para makakuha ng isang downline at makapag refer ng sales?


Imagine na totoong nangyari sa’yo ang lahat ng ‘to...

Imagine na totoong kapag hindi mo nagawa ‘yung pinapagawa at hinihiling nung mga terorista ay talagang may mangyayaring masama sa pamilya mo...

Tingin mo magagawa mo kaya lahat ng makakaya mo?

Imposible bang hindi ka makagawa ng paraan?


Sigurado ako na magagawan mo ng paraan! Bakit? Buhay na ng pamilya mo ang nakasalalay eh.


Ngayon pwedeng isipin mo, “napaka O.A. naman ng example na ‘to!” o baka sabihin mo, “wala namang kakwenta-kwenta ‘tong pinapagawa mo!”.


Pero alam mo sa totoo lang, sa tunay na buhay at mga pangyayari araw-araw…

Buhay talaga ng pamilya mo ang nakasalalay kung magiging successful ka o magpi-failed ka sa business mo. Hindi nga sila babarilin ng mga terorista sa ulo, pero kapag hindi ka naging successful, at kapag hindi mo ginawa ang lahat ng makakaya mo…


Hindi mo maibibigay sa kanila yung freedom.

Ang lifestyle na gusto mong maranasan nila.

Hindi mo mabibili yung mga bagay na gusto mong ibigay sa kanila.

At higit sa lahat, hindi ka magkakaron ng time freedom para makasama mo ang iyong pamilya sa oras at lugar na gusto mo.


You will become successful sa business mo kapag tinangal mo na sa option mo ‘yung FAILURE. Ang gusto kong maunawaan mo ay dapat hindi option sayo ‘yung mag-give up o ang mag-QUIT. At para magawa mo ‘yun, kaylangan mo ng internal driver. You need a reason WHY.


Pwedeng ang deepest reason WHY mo ay:


· Fear – Takot na baka hindi mo mai-provide ang pangangaylangan ng pamilya mo.

· Love – Love para sa pamilya mo.

· Desire – Desire na magkaron ng mas maayos na lifestyle.

· Passion – Passion na tumulong sa kapwa.


Pag meron ka ng deepest reason why, wala ng makahihinto sayo. At ‘yung nag-iisang option na lang na matitira ay ang mag-SUCCESSFUL!


Parang katulad ng kwento ni Colonel Sanders a.k.a. Mr. KFC. (Founder of Kentucky Fried Chicken)


Kung hindi mo pa alam ‘yung istorya, Ganito ‘yun…


MLM Attraction Marketing

“Si Mr. Sanders ay very passionate na i-share, at i-patikim sa mga tao ang naimbento nyang chicken recipe. Malamang nakatikim ka na rin ng kanyang very famous na “Finger Lickin Good” chicken! Dahil sa PASSION nya na maipatikim sa maraming tao ang kanyang recipe, nung 60 years old sya, nilibot nya ang buong Amerika.


Nagbahay-bahay sya at kumatok sa mga restaurants para i-demo sa mga restaurant owners ang kanyang naimbentong friend chicken recipe. Nagluluto sya ng fried chicken sa harap ng mga may-ari, tapos ang deal nya kung magugustuhan nila yung recipe, papayagan si Mr. Sanders na ibenta nung restaurant yung chicken recipe nya, tapos may percent lang sya na makukuha kada fried chicken na mabebenta. Pero ang masaklap, puros rejection ang nakuha nya. Hindi interesado ‘yung mga nakakausap nya.


Alam mo ba na umabot ng hanggang 1009 na restaurant owners ‘yung nag-reject at tumanggi sa offer at sa recipe nya?


Ouch! 1009 na REJECTIONS! Grabe ang saklap nun!


Malamang ‘yung ibang tao, pang 20 rejections pa lang ay quit na kagad. Pero si Mr. Sanders ay hindi naging option sa kanya ang mag-quit at mag-give up kaya nagtuloy-tuloy lang sya.


At nung makausap nya yung pang-1010 na restaurant owner, yun lang ang nag-YES at pumayag na makipag partner sa kanya!


And the rest is history…”


Alam mo, lagi akong nai-inspire at natututo sa istorya na ‘to ng isang particular na tao. Sa tingin mo, may KFC kaya ngayon kung naging option kay Mr. Sanders ang mag-quit nung makaranas sya ng sandamukal na rejections at failure?


Hindi sana nakakapag-generate ng 20 Billion Dollars + of sales every year ang KFC kung una at pangalawang rejection pa lang sa kanya ay huminto na sya. Buti na lang hindi nya pinili na mag-quit at mag-give up.


Kaya ikaw, kung nakararanas ka ng kahit anong challenges sa business mo, rejections man yan, learning curve, etc…wag kang huminto…wag kang mag-give up ng basta-basta. Ang gawin mo, punta ka sa KFC at order ka ng fried chicken, tapos alalahanin mo ‘yung very inspiring story ni Mr. Sanders habang kumakain ka ng finger lickin good chicken!


How to guarantee your success? It’s very simple… NEVER GIVE UP!


Mag-promise ka sa sarili mo ngayon na hinding-hindi ka magku-quit…kahit kelan anuman ang mangyari! OK?


Post your comment below kung mapapangako mo ‘yan hindi sa’kin o kaninoman kundi sa sarili mo. Kung hindi mo magawa, ngayon pa lang mag-quit ka na. Wag mo nang sayangin ang oras mo baka masaktan ka lang. Seryoso ako sa sinasabi ko!


Your business partner to health, beauty and wealth,


Jeyrom Billan

Online Network Marketer

Comments:

bottom of page