top of page
About the Author

3 Most Common Mistakes Of Newbie Pinoy Network Marketers/Entrepreneurs


Common Mistake No.1 - Too Perfectionist


“Don’t over analyzed to avoid being paralyzed”. Ibig sabihin, ‘wag mong i-expect na magiging perfect ang lahat lalo na kung nagsisimula ka pa lang sa business mo. Ok lang magkamali sa simula. Ang mas mahalaga ay ‘yung mga matututunan mo sa magiging experiences mo. Samakatuwid, magkakaroon ka lang ng mga experiences kung gagawa ka agad ng aksyon base sa mga trainings na inaaral o inaral mo.


Tips: Ang best approach ay manood ka muna ng isang video training at a time pagkatapos i-implement mo kaagad ‘yung idea na natutunan mo. Sa madaling sabi, you only need one step at a time o step by step lang. Sa ganung paraan makikita mo kagad yung resulta ng aksyon na ginawa mo. Tandaan mo, ang resulta ay naka-depende sa aksyon na ginagawa mo, pero ang importante ay nagkakaroon ka ng progress sa business mo. Wag mong antayin na maging perpekto ang lahat dahil walang kahit anong business ang perpekto sa simula.


Common Mistake No. 2 - They Don’t Leverage


Kung makakahanap ka ng mga paraan para ma-automate ‘yung mga repetitive task sa business mo… mas maganda ‘yun. Dahil kapag mas maraming automation sa business mo, mas marami kang libreng oras para magawa ‘yung mga importanteng bagay. Mas marami ka ring libreng oras na mailalaan sa pamilya mo.


Tips: Ok lang minsan maging old school at mag-stay sa pure basic. Pero tandaan mo, kaya ka nasa business ay dahil gusto mo ng freedom. Gusto mo ng mas maraming income at mas maraming libreng oras. “Leveraging technologies can give you more freedom”.


Common Mistake No. 3 - They Don’t Follow Through


Marami ang sa simula lang nag-i-effort ng todo at sa simula lang gumagawa ng massive action. Kapag medyo bumagal ang business nila, nagku-quit na o kaya naman ay tatalon na lang basta sa ibang opportunity. Lilipat sa ibang company ang isang halimbawa. Ang akala nila dun may resulta. Ang hindi nila alam, sarili mismo nila ang problema. Tapos back to ZERO na naman, tama ba?!


Tips: Success in any business requires discipline and consistent massive action. Wag ka lang maging introvoyz! Wag na wag mong sayangin ‘yung naunang effort mo, siguraduhin mo na tatapusin mo kung anuman ‘yung sinimulan mo.


Lahat ng ‘yan ay base dun sa mga nakikita kong paulit-ulit na ginagawa ng mga baguhan sa MLM o sa network marketing business.


Sana ‘wag na ‘wag mo 'tong gawin!


Leave your comments below and click like kung nagustuhan mo ang blog post na ‘to.


To your success,


Jeyrom Billan

Pinoy MLM Attraction Marketing Guide Author


sources: http://workwitheduardreformina.com/3-most-common-mistakes/

https://www.youtube.com/watch?v=2A6Qwfj488c

Comments:

bottom of page