top of page
About the Author

"Empleyado vs. Negosyante"

Sino kaya sa dalawa ang sa tingin mo ay lamang sa lahat ng bagay?

Anong career kaya ang sa tingin mo ay fit sayo para maging vehicle mo papunta sa tagumpay?Nakapag-decide ka na ba sa sarili mo ng tama para gawin ang bagay na magdadala sayo sa mga pangarap mo at sa gusto mong marating sa buhay?

Siguro ito na yung tamang TIME para kumilos ka.


Sino ka sa dalawa?


Nakapili ka na ba ng kaCAREERin mo?


Malamang ito yung tanong na tumatakbo sa isip mo ngayon.

Tama ba ‘tong article na binabasa ko?


Yes! hindi ka nagkamali sa binabasa mo ngayon.


Bakit ko kino-compare?

Hindi para siraan ka sa kinalalagyan mo ngayon o para guluhin ang isip mo. Pinost ko ang blog article na 'to para imulat ka sa reyalidad ng buhay na kasalukuyang nangyayari sa komunidad natin.


Ikaw ba yung tipo ng tao na kuntento na sa buhay na meron ka ngayon o sawa ka na ba sa hirap at pagtitiis at patuloy kang naghahanap ng paraan para matakasan ang kinalalagyan mo ngayon?


To tell you frankly guys, hindi ka nag-iisa sa laban. Marami ang taong sawa na sa pagtitipid na para bang ulam na mamantika na nakakaumay dahil paulit-ulit mo itong natitikman. Normal na bagay sa mga mahihirap kaya ang nagiging mindset na lang natin ay 'yung pagiging kontento na lang at ayaw nang gumawa ng paraan para makaahon.


Eto 'yung sabi ni Albert Einstein, "If you always do what you've always done, you will also get what you've always gotten". Bagay na nagpabago sa takbo ng pag-iisip ko para harapin ang bagong buhay. Guys gumising ka na baka natutulog ka pa at nagbubulag-bulagan parin hanggang ngayon. Kung gusto mong makaalis sa kung ano mang kinalalagyan mo ngayon, kumilos ka at baguhin ang sistema mo sa buhay. Dahil tulad nga ng sinabi ni Albert Einstein, hindi ka makakaalis sa kinalalagyan mo kung paulit-ulit mo lang na ginagawa ang sistema mo ngayon na wala namang naitutulong sayo para umasenso. Hindi ka ba nagsasawa sa resulta na pauli-ulit mong nakukuha na hindi mo naman deserve? Tao ka na binigyan ng Panginoon ng FREEWILL para piliin 'yung tamang buhay na tatahakin mo.


Bibigyan natin ng emphasis ang buhay na meron ang Empledo at Negosyante. Please lend me your ears and have an open mind dahil para sayo ‘to. Ayukong palagpasin ang pagkakataon na ito dahil sa tingin ko hindi aksidente ang pagpunta mo sa website ko at pagbabasa ng blog article na ‘to kundi ito na yung time para magdecide ka sa sarili mo.


I want to elaborate the whole topic in order for you to broadly understand what exactly mean it.


EMPLEYADO vs. NEGOSYANTE


1. Sino ba ‘yung madalas mag-commute? EMPLEYADO.

2. Sino ba ‘yung nagrerenta o walang sariling bahay? EMPLEYADO.

3. Sino ba ‘yung walang malaking savings sa bangko? EMPLEYADO.

4. Sino ba ‘yung nagtitipid o nagba-budget sa pagkain? EMPLEYADO.

5. Sino ba ‘yung baon sa utang? EMPLEYADO.

6. Sino ba ‘yung gumigising ng maaga kahit antok pa para lang maligo at pumasok sa trabaho ng hindi nali-late? EMPLEYADO.

7. In short, sino ba ‘yung may mahirap na buhay? EMPLEYADO.



1. Sino ba ‘yung may magarang kotse? NEGOSYANTE.

2. Sino ba ‘yung may sariling magandang bahay? NEGOSYANTE.

3. Sino ba ‘yung may malaking savings sa bangko? NEGOSYANTE.

4. Sino ba ‘yung laging masarap ang pagkain? NEGOSYANTE.

5. Sino ba ‘yung may maraming pera? NEGOSYANTE.

6. Sino ba ‘yung pumapasok sa time na gusto nya? NEGOSYANTE.

7. In short, sino ba ‘yung mayaman o may mas masarap na buhay? NEGOSYANTE.


Ngayon tanungin kita, Sino sa dalawa ang lamang sa lahat ng bagay? Sino ang may TIME FREEDOM? Sino ang may FINANCIAL FREEDOM? Nasagot na ba ‘yung mga tanong sa isipan mo?


Sino sa dalawa ang GUSTO mo?


Guys sorry to tell you but this is the reality. I don’t want to shutter your beliefs just to make you realize that you’re only day-dreaming but I want you to know the real life we have. God promised a prosperous life for us. But now, where is your hope? Hindi ba simula pa ‘nung bata ka pangarap mo ang masarap na buhay para sa sarili mo at sa pamilya mo? Bakit ngayon takot ka nang abutin ang pangarap mo at natatawa ka pa sa sarili mo habang inaalala ang kabaliwan mo sa pangarap nung bata ka pa. Ang tingin mo sa sarili mo ngayon ay awkward na kapag tinanong ka ng ibang tao kung “gusto mo bang yumaman”? “Ano bang pangarap mo sa buhay?”. Hindi ba dapat ngayong malaki ka na mas binibigyan mo ng halaga ang pangarap mo nung bata ka pa.


I want you to realize this, hindi ko sinasabi ‘to para diktahan ka ng dapat mong gawin sa buhay o i-discourage ka sa kung ano mang meron ka ngayon. Gusto kong mamulat ka sa katotohanan na kahit kelan puro lang rejections at frustrations ang napapala mo at kahit kelan hindi ka yayaman sa ginagawa mo ngayon. ‘Di ba may pangarap ka? Nasaan na ngayon? Hindi kita masisisi na kontento ka na lang sa buhay mo pero may pamilya ka. Aminin mo sa sarili mo na yan ang real life meron ka. Kung ikaw ay isang ordinaryong EMPLEYADO, contractual employee or regular employee na walang mataas na posisyon sa isang kompanya, mas maganda siguro kung ngayon pa lang habang may time pa baguhin mo na ‘yung prinsipyo mo sa buhay. Hindi pride ang dapat manguna sa’tin kundi ang pamilya natin na hanggang ngayon umaasa na matutulungan natin sila na sumarap ang buhay. Dumaan din ako sa pagiging empleyado ng apat na taon kaya alam ko kung gaano kahirap ang landas na tinatahak mo ngayon. Hindi kita dini-discourage sa kinalalagyan mo kundi choice mo yan. Kaya tayo may freewill para piliin ang tama at masarap na buhay. Mas maganda kung mag-decide ka na habang may time ka pa. Tumatanda ka at hindi bumabata. Pa’no na yung pamilya mo na umaasa sa’yo hanggang ngayon? Hanggang kelan ka magtitiis at magtitiyaga sa akala mong magbibigay sa’yo ng masarap na buhay? We need to save our time for our family. Love is not spelled as L.O.V.E. Love is spelled as T.I.M.E. Masarap kapag mas marami tayong time para sa pamilya natin. Masarap kapag marami tayong pera. Masarap kung may kotse ka para hindi ka mabasa kapag umuulan. Masarap kapag lahat ng lugar na gusto nating pasyalan ay napupuntahan natin. We deserve that kind of life. ‘Wag natin limitahan ang sarili natin sa pagiging simple lang dahil mahirap man o mayaman, empleyado ka man o negosyante, ay parehas lang na nabubuhay. Ang pinagkaiba lang ay mas masarap ang buhay na meron ang mayaman. Kaya magkaiba kayo kung paano mag-isip. Lahat ng matumpay na tao ay marunong mag-isip ng tama. Lahat sila ay may “things in common”, “they are open-minded”.


Ito pa ang isang halimbawa ng isang reality:


Employee Income Distribution


Basic income/salary (today) – 10,000 per month


Salary Deductions:


Food – 100 per day times 1 month is equivalent to 3,000

Minimum Fare (from home to work back and forth) – 100 per day times 1 month is equivalent to 3,000

Personal Things – Cost 1,500 (Budget)

Social Life Expenses – Cost 1,000 (subrang tipid)

Cellphone Load – Cost 500 (supposed to be the budget for 1 month)

All in all – Total Expenses is 8,000 less to basic salary is 2,000 (your real salary!)


Is this your worth? Only 2,000 after all? Nice one!


Pinaaral tayo ng mga magulang natin ng 6 years sa elementary, 4 years sa high school at 4 years sa college. After 14 long years of sacrifices at lahat ng pagtitiyaga ay ginawa mo tapos dyan ka lang babagsak? Yan lang ba ang worth mo bilang tao? Pa’no ka pa makakatulong sa pamilya mo kung ang sahod mo kulang pa para sa sarili mo? Swerte ka kung pagka-graduate mo may trabaho ka agad. Pa’no na kung wala? Ok lang siguro kung single ka pa lang. What if may sarili ka nang pamilya? Kasya ba ang kita mo? Pa’no kung nagrerenta ka pa? I can’t really imagine that life is so unfair.


Pa’no na ang pangarap mong kotse? Bahay? Savings? Yumaman? kung ngayon pa lang less worth ka na at less opportunity pa. Try to imagine this one. Sa sahod mo na 10,000 per month swerte ka na kung makapag-ipon ka pa. Hindi ba nangangarap ka ng after 5 years or after 10 years meron ka na nang lahat ng iyon?


Let’s estimate your DREAMS:


Your DREAMS


House – worth 5 Million (supposed to be)

Car – worth 3 Million (supposed to be)

Bank Savings – worth 2 Million (supposed to be)

TOTAL Dreams – worth 10 Million


For example your age now is 25. Ang basic salary mo ay 10,000 per month. Sabihin natin na ‘yung 2,000 na natira sayo mula sa gastos mo sa loob ng isang buwan ay iipunin natin sa bangko. So, ‘yung 2,000 ay i-multiply natin sa 12 months meron kang 24,000 sa loob ng isang taon. Ngayon naman, i-multiply natin ang 24,000 sa loob ng minimum na estimate mo na after 10 years. So, meron ka nang ipon na 240,000 sa loob ng sampung taon na pag-iipon. Congrats! kaibigan. After 10 years plus ‘yung edad mo na 25 years old ay nasa 35 years old ka na. Sabihin natin na dagdagan mo ang pag-iipon mo ng another 10 years para lang mabili mo ‘yung mga pangarap mo. So, meron ka ngayong ipon na 2 Million and 4 hundred thousand at the age of 45.


May mabibili ka na ba sa DREAMS mo after having your savings worth of 2.4 Million pagkatapos ng pag-iipon mo sa loob ng mahabang panahon? Baka matanda ka na wala ka paring nakuha kahit isa man lang dun sa mga pangarap mo. Kung meron man, baka matanda ka na at uugod-ugod na. Sa tingin mo ba mai-enjoy mo pa yung pera mo kung matanda ka na? Baka hindi na dahil marami ka nang sakit at sa gamot na lang napunta lahat ng pinaghirapan mo sa buong buhay mo.


Sana natauhan ka sa mga sinabi ko. Mas magnda habang bata ka pa marami ka nang pera. Walang masama sa pagiging mayaman basta nagagamit mo ng tama. Hindi ako naniniwala sa kasabihan na, “Money is the root of all evil”. Ang kasabihan ay minsan hindi naa-apply sa tunay na buhay. "The root of all evil is the lack of money". Pansinin mo lahat ng problema at nangyayari sa bansa natin ngayon, ‘di ba ang isyu ay PERA? Kawalan ng PERA? So, bakit ka maniniwala? Wala kang ibang pagkatiwalaan kundi ang sarili mo dahil ikaw mismo ang gagawa ng sarili mong buhay at hindi ang ibang tao. Kung gusto mo magtagumpay sa buhay piliin mo ‘yung tamang landas na naayon sa tamang desisyon at sa sairili mo.


Ngayon, nakapili ka na ba ng dapat mong tahakin? Employment ba o Business? It’s up for you to decide. Ang akin lang naman ay ‘yung tips para sa tamang buhay. Pwede mo akong maging lifetime Partner.


P.S. - Gusto kong abutin ang kamay mo at i-congratulate ka ngayon dahil nakaabot ka sa puntong ito. Ikaw ‘yung tipo ng tao na gustong may marating sa buhay. Saludo ako sayo. So pa’no, medyo napahaba na ang usapan natin. Hanggang sa susunod. Sana may napulot ka sa blog article na ‘to. At sana may bagay ka na na-realize ngayon. Pwede mo akong kontakin o pwede kang mag-post ng comment sa baba para malaman ko ang side mo.


Thank you for your time and for stopping by!


Your Business Partner to Success,


Jeyrom Billan

Online/Internet Network Marketer

Comments:

bottom of page