top of page
About the Author

Ang MLM Or Network Marketing Business Ba Ay Legal? Or Pyramiding Scam? Know the Truth Behind

Ang MLM ba ay talagang pyramiding scam?

Bakit kadalasan nating naririnig sa mga tao ang ganitong reaksyon?

Naniniwala ka ba sa ganitong opinyon?

Sadyang takot lang ba ang tao dahil sa sarili nya mismong experience ? O naniniwala lang sya basta-basta sa mga sabi-sabi ng ibang tao o ng kanyang mga kaibigan at kakilala ng hindi naman napatunayan?

Isa ka ba sa kanila?


Well, based on my own experience, marami na akong na-encounter na ganitong klase ng argumentation mula sa iba-ibang tao. At takot din ako dati sa mga ganitong bagay lalo na nung baguhan pa lang ako dito sa maynila. Galing ako sa probinsya kaya mukha akong mangmang nung una sa mga bagay at pamumuhay sa siyudad. Ibat-ibang klase ng tao at mga lifestyle na kung tutuusin hindi ko talaga nakasanayan at subrang laki ng pinagkaiba sa buhay sa probisya. Tapos makakarinig pa ako ng PYRAMIDING? SCAM? What the heck is that thing?


Nung una pakiramdam ko ay natatakot talaga ako na maka-encounter ng ganito. One time nangyari ang hindi ko inaasahan. May nag-alok or nag-invite sa sa'kin na isang stranger tungkol sa isang trabaho. That time empleyado ako sa isang kompanya sa Makati. Pinipilit nya talaga ako na pumasok sa isang building na ayon sa taong iyon ay ang opisina nila. May mga tao sa loob na nag-uusap at parang busy sa kanilang mga transakyon. Sa subrang takot ko tumakbo ako dahil ayuko talaga ng pinipilit ako sa bagay na hindi ko alam. Habang tumatakbo ako bigla akong napahinto at naisip ko na baka nagbebenta sila ng iligal na produkto. Isang bagay lang ang na-realize ko, ayuko ko na maka-encounter ulit ng ganun.


Sa kabilang banda, may bigla akong naisip. Bakit hindi ko muna tiningnan sa loob para mapatunayan ko sa sarili 'yung sinasabi ng taong iyon. Baka naman may mali ako at napraning lang masyado sa mga sabi-sabi ng ibang tao dahil that time 'yun ang nasa isip ko. Hindi kaya nawalan na ako ng bait sa sarili dahil nakinig at naniwala ako sa mga haka-haka ng ibang tao?


One time, nag-decide ako sa sarili ko at naglakas loob na alamin ang totoo para mawala na ang takot sa isip ko. Sa 'di inaasahan may nag-alok ulit sa'kin and that time kakilala ko naman. Pumasok ako at tiningnan sa loob kung ano ba talaga meron at kung ano ang totoo sa likod ng mga reaksyong 'yun. Nagulat ako sa nalaman ko pagkatapos ng orientation sa loob ng opisina. "MALI" pala ako at sa mga naging opinyon ko. HINDI pala PYRAMIDING SCAM ang MLM Business o Networking Business. Napatunayan ko na quonotation lang pala ng karamihan ang ganitong klase ng opinyon.


Bare with me guys, patunayan ko sa inyo kung totoo ang sinasabi ko. One day sa kaka-research ko sa internet may nabasa akong blog ng isang blogger na nagkukwento ng sarili nyang karanasan at halos magkapareho lang kami. Ang pinagkaiba lang ay hindi maganda ang pag-entertain sa kanya ng taong nagdala sa kanya sa isang kompanya ng MLM Business. Naging rude ang dating sa kanya at 'yun ang dahilan kaya naging negative ang quonotation nya sa Networking. May sinasabi sya dun sa blog nya na gusto raw ipabenta sa kanya ang cellphone at gadgets nya o pinapa-utang sya ng pera sa kakilala para lang makasali. Instead na makumbinsi, nagalit sya at naging negative sa taong nagdala sa kanya kaya nag-umpisa ang paninira nya sa kompanya. Ang naging paraan kasi na ginamit ng taong nagdala sa kanya ay makaluma o traditional strategy at parang ahente ng isang produkto kaya cheap o unprofessional ang dating sa kanya. Karamihan sa mga Networker ngayon kaya hirap na hirap sila sa MLM Business nila ay dahil sa lumang paraan o tactics of recruiting na gamit nila. Ang lingid sa kanilang kaalaman ay makabago na ngayon. Nasa information age na tayo kaya napag-iiwanan na sila ng panahon at pagkakataon. Pwede naman nila gawing madali at effective ang negosyo gamit ang internet.


Way back in early 1920's, nag-umpisa ang history ng Networking Business or Multi-Level Marketing (MLM) Industry. Nagmula ito sa bansang California sa America (USA) at kumalat na sa buong mundo ngayon. Ang pangalan ng pinakaunang Company na nag-operate ay ang "California Perfume Company" o kilala sa tawag ngayon na "Avon Products". Sumunod ang "California Vitamin Company" noong late 1940's. Dito naman sa Pilipinas, early 2000's sumikat ang Networking kaya marami ang nagsulputan na kompanya hanggang ngayon. Hindi lahat ng kompanya nag-sustain at tumatagal dahil sa hindi effective na sistema na ginagamit nila. Marami ang bumagsak at nagsara at marami din ang nag-sustain at naging TOP Performing Company pa nga. Isa sa mga Top Companies ay ang kompanya na engage ako ngayon.


Legal ang MLM or Multi-Level Marketing Business sa buong mundo at maging dito sa Pilipinas. Kilala ito sa tawag na "Networking" or Network Marketing Business kaya very familiar ito sa mga tao. Registered ito sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng DTI, BIR, SEC at Maging sa ISO (International Standardization Organization) ay nag-certify dito. At isa sa mga ISO Certified ay ang kompanya na kinabibilangan ko ngayon. Registered din ang mga products nito sa GMP, Halal, WHO, DOH, BFAD or FDA kaya certified na effective at maganda ang mga products ng Company. Ang mga may-ari naman ay Certified Businessman or Network Marketer. May sariling compensation plan ang company at may mga empleyado na nagsiserbisyo.


Ganito ang SCHEME ng Pyramiding.


From the Owner down to Company President or Executives, down to Managers, down to staffs or subordinates. And from the Owner down to Business Partners or Network Marketers kaya sumasahod ang mga empleyado ng company. In short, it is a network of people connecting each other to perform a basic specific task of a business industry. Ito ang sistema na gamit hindi lang ng Networking Company kundi pati na rin ang ibang kompanya na kinabibilangan mo ngayon. Ito rin ang gamit na sistema ng mga fast food chain or franchising business at maging ng mga traditional business. Nagre-recruit sila ng mga tao para gumalaw at umusad ang sistema. Paulit-ulit lang ito or what we call as "CYCLE" para ma-sustain ang sistema. Ang isa pang halimbawa ng pyramiding ay ang araw-araw mo na pamumuhay. From top to bottom ay pauli-ulit lang itong nangyayari. It is a cycle or a chain of life na natutulog ka at gumigising ng pauli-ulit para gawin ang normal mo na buhay. Maging sa loob ng pamilya sa isang tahanan ay ginagamit ang networking strategy.


Sa employment ginagamit din ito. Hindi ba nagpa-recruit ka sa HR ng kompanya kung saan ang HR ay ne-recruit lang din ng may-ari ng kompanya? That is simply NETWORKING. Lahat ng bagay ay pinapatakbo ng networking strategy. Kaya lang sya naging kilala sa SCAM yun ay dahil sa mga taong masama ang intensyon sa kapwa tao at sa pera kaya napasama ang imahen ng MLM Industry dito sa Pilipinas. Sa ibang bansa, kapag ikaw ay isang Networker, napakataas ng tingin sa'yo ng tao dahil hindi lang sa ikaw ay mayaman, kundi ikaw 'yung tipo ng tao na Very Successful kahit sa murang edad at Professional din. Dito lang sa Pilipinas nangyari ang scam dahil may mga lukong tao na ang intensyon lang ay yumaman sa masama at illegal na pamamaraan at hindi ang pagtulong sa ibang tao. Kumolekta lang ng pera ng ibang tao, lulukohin lang sila at pagkatpos itatago o itatakbo ang pera. 'Yun ba ang gawain ng normal at Professional na tao? Bakit Hindi ka magpakahirap sa legal na paraan?


Ginagamit nila ang Pyramiding Structure para makakolekta ng pera at itatago lang ang mga ito pagkatapos makuha sa ibang tao. Kung kaya napasama ang image ng Networking. Maging sa gobyerno ay nangyayari ito. Hindi na bago ang mga pangyayaring ito sa ngayon. Bakit hindi natin ito ibalik sa dating imahen at gamitin ng tama para marami ang umasenso? Sadyang napatigas nga ng ulo ng mga tao.


This is the truth: PYRAMIDING Structure in network Marketing is very LEGAL! Ang MLM or Networking Company ay LEGAL. Tulad nga ng sinabi ko kanina, ang naniniwala sa sabi-sabi ng ibang tao ng hindi mo naman napatunayan ay Mortal na Pagkakasala. Niluluko mo ang sarili mo na parang ikaw 'yung nagsisinungaling at hindi ang kompanya, ang may-ari o maging ang ibang networker.


Please guys, be professional enough with your own career. Its either we are on the same industry or not, still we work together as a citizen of our own country. let's make it a little bit good and do it in the right way. Do not let yourself earn a big money at the expense of many other people. Mas masarap kung tayo mismo ang nagtutulungan patungo sa tagumpay.


Before I end up with this blog, can you please answer these questions honestly for yourself and you will know whether this is for you or not.


1. Do you have a large enough network to be able to recruit people at a pace that it going to make you money.

2. Do you feel comfortable about getting family, friends and other people you know involved in this?

3. Can you sell? Are you any good at it?

4. Are the products sufficiently saleable for you to be able to make money from commission?

5. Is it the sort of product you would be able or want to sell to your family and friends?

6. Are you happy to function without a regular salary, on commission only?

7. Can you afford to lose the initial outlay if the venture is not successful?

8. Have you thoroughly researched the company and read the good and the bad reports about them?

9. Do you understand that the salaries claimed as possible are only available to their top recruiters who sell promotional and training materials to the network?

10. Are you prepered to lose friends and fall out with family if they are recruited by you and lose money as a result?


Guys, gamitin nyo sa tama ang skills na meron kayo. Kung sa tingin mo fit ka sa Networking then do it. Eto lang ang masasabi ko, gawin natin ng tama ang networking para wala nang negative mag-isip na tao at sasabihing scam ang Networking Business. Pwede mo akong maging ka-partner.


P.S. - Please let me know. You can contact me or post your comments below. Sana nakatulong ako para maliwanagan ka. Gusto ko malaman ang side mo. Thanks for your time dropping by. Till next time!


Your Business Partner to Success,


Jeyrom Billan

Online Network Marketer

Comments:

bottom of page