The Key To A Successful Network Marketing Business
- jtbillan
- Jun 17, 2014
- 4 min read
I have a real short story to tell you. A couple of days ago habang nasa loob ako ng isang fast food chain na itago na lang natin sa pangalang McDo. :-) May table sa bandang harapan ko na may limang tao na nakaupo. Apat na babae at isang lalaki. Yung lalaki may hawak na ballpen at nagsusulat sa papel habang nagsasalita at yung apat na babae naman ay nakatulala at nakikinig lang. Nung narinig ko yung dini-discuss ng lalaki naka-relate ako bigla dahil ginawa ko na rin 'yon dati.
Exciting ito! Latagan session pala ang ginagawa nya (table talk presentation about business). Napakinggan ko halos yung kanyang buong presentation. Napahanga nga ako eh dahil magaling mag-present yung Networker na 'yon pero pakiramdam ko ako yung napagod sa bilis n'yang magsalita at sa dami ng kanyang sinabi. Hindi ko tuloy masabi kung may naintindihan ba talaga yung apat na prospects n'ya.
Habang nagpi-present s'ya, ang isang common tagline ng mga networker na narinig kong sinabi n'ya ay ganito, "di po ba sabi ni Manny Pacquiao ang kaylangan lang daw para umasenso sa buhay ay sipag at tiyaga, Tama po ba?"
"Oo tama 'yon" sagot nung apat na prospects.
"Eh ba't yung mga magtataho, masisipag at matiyaga naman bakit mahirap pa rin?"
"Eh ba't yung mga magbabalot, masisipag at matiyaga naman bakit mahirap pa rin?"
"Eh ba't yung mga magsasaka, masisipag at matiyaga naman bakit mahirap pa rin?"
"Eh ba't yung mga karpintero, masisipag at matiyaga naman bakit mahirap pa rin?"
"Para umasenso kaylangan may S.T.D ka" sabi nung lalaki (Natawa yung mga kausap n'ya)
"Sipag, Tiyaga at Diskarte" kayo naman oh napaka-green minded nyo... sabi nung Networker
'Yun naman pala eh... kaylangan lang may S.T.D. ako (Yesssss...buti na lang meron ako nyan!) pabirong sabi nung mga bababe :-D
After that very long presentation (kung hindi ako nagkakamali inabot din ng isa't kalahating oras, naubos na nga yung foods na inorder ko) biglang bumanat yung networker at sinabi n'ya dun sa mga kausap n'ya 'yong linyang...
"Sa ganitong negosyo hindi mo naman kaylangan ng skills para yumaman, kaylangan lang masipag at matiyaga ka!"
What?! Really?!
Alam mo napakamot ako at medyo na-confuse sa sinabi nyang 'yon kaya ang ginawa ko, tumayo ako para mag-butt in at ganito yung sinabi ko…
"Akala ko ba S.T.D. ang kaylangan para umasenso?"
Asan na yung Diskarte? Bakit biglang kaylangan masipag na lang at no skills required pa?
Hep..hep… parang bigla mo yatang kinontra lahat ng mga naunang sinabi mo ah. Kanina pa kasi 'ko nakikinig dito eh!
Sabi mo kanina "Diskarte" ang kulang ng mga taong masisipag at may tiyaga kaya hindi sila umaasenso???
Akala mo ganun nga talaga 'yung ginawa ko nuh? Joke lang 'yon, hindi ako tumayo. 'Yun lang 'yung mga bagay na pumasok sa isipan ko habang nakikinig sa discussion nung lalaking 'yon :-D
If you think very carefully, ang "DISKARTENG" kaylangan natin sa MLM Business para maging successful, ay yung mga "SKILLS" na matututunan mo.
Sa Network Marketing Business, hindi ka magiging successful hangga't hindi ka nakakapag-acquire ng tamang skills na kaylangan mo at 'yan ang tinutukoy ko na tamang diskarte. Hindi pwedeng masipag ka lang. Hindi sapat 'yun.
Lahat ng mga Network Marketers na may resulta sa kanilang business ay may iba't ibang skills na kayang ipamalas kaya sila naging successful.
• Yung iba magaling magsalita sa harap ng maraming tao o 'yung tinatawag na public speaking skills.
• Yung iba magaling mag-inspire at mag-motivate o merong motivational skills.
• Yung iba malupit mag-market sa internet o merong marketing skills.
• Yung iba magaling na leader at may leadership qualities.
• Yung iba naman magaling mag-close sa one on one.
Kung babalikan natin 'yung huling sinabi ng lalaking networker na 'yon, "sa ganitong negosyo hindi mo naman kaylangan ng skills para yumaman, kaylangan lang masipag ka!" ay napaka confusing at deceiving and not going to serve his prospects. Sa tingin ko dapat lang na hindi natin sabihin 'yung ganitong klase ng mensahe. Dapat sa una pa lang ipaalam na natin sa'ting mga prospects na sa negosyong papasukin nila, kaylangan nilang maglaan ng oras at panahon para aralin yung mga diskarteng kaylangan nila para maging successful sa business nila at hindi ganun kadali ang mga ito.
Anyway, ang gusto ko lang naman sabihin sa'yo sa blogpost na ito ay…
"Kung gusto mong maging successful sa business na ginagawa mo ngayon, kaylangan mong mag-aral ng mga Tamang DISKARTE! Kaylangan mo ng mga tamang SKILLS and that's the KEY to a successful Network Marketing Business.
Ngayon tatanungin kita… May S.T.D. ka rin ba "Sipag, Tiyaga at Diskarte" ?
Kung gusto mong matutunan yung 3 pinaka importanteng skills na kaylangan mo para magkaresulta at magkaron ng success sa Network Marketing Business mo, simply go to the 3 Training Videos for FREE at the bottom part of the "Blogposts" and sign up to get instant access.
*P.S. May natutunan ka ba sa blogpost na 'to? Click the LIKE button and type your comments below. Let me know kung sang-ayon ka dito sa mga nabasa mo o hindi. Gusto kong malaman ang opinyon mo. Till next blogpost. Your Business Partner to Success,
Jeyrom Billan
Comments