top of page
About the Author

Paano Ba Malalaman Kung Nasa Tamang MLM/Network Marketing Company Ka?

Kung ikaw ay kabilang sa industriyang ito at baguhan pa lang malamang ito ‘yung tanong na gusto mong mabigyan ng malinaw na sagot, “nasa tamang MLM Company ba talaga ako?" Sa napakaraming nagsulputan na MLM (Multi-Level Marketing) Companies ngayon at umaabot pa sa puntong basta gumagamit ng sistema na kapareho ng sistema ng MLM Companies at nagbabayad ng multiple generations ay kino-consider ng mga Pinoy Networkers na MLM o Networking.


For the sake of all and for your information as well, mas mabuti kung bibigyan muna natin ng simpleng definition ang MLM o Multi-level Marketing Business para maintindihan mo ang konsepto nito bago mo pa man pasukin o ipagpatuloy ang business na ‘to. Marami kasi sa ‘tin ang pumapasok sa isang negosyo na ang buong akala ay MLM Industry ang pinasok in fact hindi naman pala talaga at ang nasisisi ay mismong industriya natin. Simple lang ang konsepto ng networking, babayaran ka ng isang Company para i-endorse ang isang produkto o serbisyo. Kaya tinawag ito na Multi-level Marketing ay dahil binabayaran ang isang tao galing sa multiple generations ng mga tao na nag-market ng business (products and services) at mga taong bumili nito. Dito na papasok ‘yung compensation na ibibigay ng Company galing sa endorsement ng ibang tao na ikaw ‘yung nag-endorse.


MLM Attraction Marketing

Same with other business na makikita mo sa Pilipinas ngayon. Halimbawa, kapag bumili ka ng burger sa McDo, hindi lang McDo ‘yung kikita kundi pati na rin ‘yung gumagawa ng sangkap sa paggawa ng burger, ‘yung gumagawa ng burger patty, at yung gumagawa ng mga gamit para magkaroon ng pagkain yung baboy o manok na sangkap sa paggawa ng burger patty ay kumikita din. Ultimo ‘yung Company ng gas para mai-deliver yung burger sa isang branch ng McDo, may parte rin sa kikitain kapag bumili ka.


Sa MLM Business, kapag bumili ka ng product mula sa isang Company, may mga kikita ng malaki at merong hindi. Pero ang punto ay hindi ‘yung kikitain nung Pinoy Networker o ‘yung kikitain mo kapag nakapag-benta ka, kundi ‘yung intensyon ng tao kung bakit niya binayaran ‘yung produkto o serbisyo. Hindi ginawa ang konsepto ng MLM para kumita lang ‘yung business o ‘yung tao, kundi para mas mapabilis ang movement ng products and services na kailangan ng consumer sa pinaka-maliit na expense possible.


Ang isang legitimate MLM Company ay kikita kapag may bumili ng products or services nito. Ito ‘yung dahilan kung bakit merong compensation sa endorsement ng business. Hindi dahil binabayaran ka sa multiple levels of sales ay nasa MLM ka na, lalo na kung walang products or services, o ‘yung mismong produkto ay hindi naman talaga binibenta. May mga Company na mabagal ang product movement dahil naka-focus lang sa recruiting. Sa ganitong sistema hindi MLM ang focus nila kundi sa people leveraging kaya minsan hindi sustainable ang safety net. Kaylangan mong maintindihan na ‘yung produkto o serbisyo ang buhay ng kumpanya. Kaya kung walang product movement ay babagsak ang sales ng isang kumpanya at kapag nangyari ‘yun babagsak ito at maraming tao o business partners ang maaapektuhan.


Tips: Dapat ‘yung company mo ay may products or services na handang bilhin ng tao kahit walang compensation na galing sa Company. In other words, halimbawa alisin natin ‘yung compensation plan, bibilhin mo kaya ‘yung products or services na meron ‘yung Company mo? Kung “oo” ang sagot mo ng hindi mo niloloko ‘yung sarili mo, tunay na MLM Businessman ka.


MLM Attraction Marketing

Another common example na pwede kong i-relate ay ‘yung coffee (3-in-1 man o 8-in-1) na madalas mong makikita sa isang MLM Company. Kailangan ng tao ‘yung kape kaya bibilhin n’ya ‘to. At dahil basic consumable product ‘yung kape na basic consumption ng tao ay patuloy na kikita ‘yung Company at ‘yung taong nag-endorse nito dahil may repeat purchase na nangyayari. Sa madaling salita, kapag nauubos ‘yung produkto ay patuloy ang sales at a short span of time.


Samantala, merong mga kumpanya na itinatayo ngayon na nagsasabing MLM raw sila, pero kung ang pagbabasehan ay ‘yung traits ng isang legitimate MLM Company ay hindi naman talaga sila papasa. Ito yung mga kumpanya na sasabihin nilang meron silang products and services when in fact wala kang makikita kahit isang produkto at puro pagpaparami lang ng tao ang konsepto :-) kaya dapat aware kayo tungkol dito and I suggest you to make a comprehensive company background check before joining them dahil ‘yan ay karapatan mo bilang tao at bilang isang tunay na negosyante. And of course this will save you from risk. Kaylangan natin i-save at i-maintain ang good image and reputation ng industriya natin dahil sa kagagawan ng ibang tao kaya ito napapasama. MLM Business is legal and always be.


Kung ganitong klase ng MLM ang papasukin mo, parang niloko mo lang ‘yung sarili mo. Wala akong pakialam kung trip nilang magbenta ng produkto o serbisyo na hindi naman talaga dapat ibenta. Pero ang pakiusap lang ng mga legitimate Pinoy Network Marketers ay ‘wag naman nating idamay ‘yung buong industry, kasi hindi naman talaga ‘yung MLM Industry ang may kasalanan kundi ‘yung mga taong walang pakialam sa reputasyon ng iba at ang gusto lang nila ay yumaman sa maling paraan at the expense of thousands of people na nahihirapan at walang kinikita.


Ang tamang MLM o Network Marketing Company ay maganda ang track record, walang bahid ng scam, may magandang profile, maraming tao ang natulungan at patuloy na tinutulungan, may quality products and services, may sustainable compensation plan and safety net, at higit sa lahat ay certified at registered sa mga ahensya ng gobyerno at pribadong organisasyon.


Sana may napulot ka sa post na ‘to. Kung nagustuhan mo pwede po pa-like at pakiiwan na rin po ng komento sa ibaba para sa malaman ko ang reaksyon mo tungkol dito.


Thank you for your valuable time reading this blog.


Your business partner to success,


Jeyrom Billan

Internet/Online Network Marketer

Comments:

bottom of page