top of page
About the Author

7 Important Things To Know In Choosing Great And Legitimate MLM Company In The Philippines

Are you planning to join MLM Business and want to be a successful young entrepreneur today? Malamang sa sobrang daming MLM Companies ngayon ang nagsulputan dito sa Pilipinas hindi mo na alam kung alin ba talaga ang tama at maganda pasukin. Nakakalito minsan tama ba?


Marami sa mga Pinoy Network Marketer ang nahihirapang pumili ng Company na sasalihan nila at baka isa ka sa kanila. Bago ang lahat dapat mong malaman na hindi lahat ng MLM Company sa Pilipinas ay legitimate. Malaking factor ang pagpili ng Company sa success mo sa Networking kaya importante para sa isang Marketer na pag-isipang mabuti bago maglabas ng capital or investment sa ganitong negosyo. Alam ng karamihan sa ‘tin na kapag pera ang pinag-uusapan ay mahigpit talaga ang lahat kaya kaylangan mo siguruhin na worth it ang mapupuntahan nito at dapat na kikita ka. Hindi ka magnenegosyo para lang mabawi ang capital o basta lang kumita kundi kaylangan na umasenso para makaahon sa hirap at magkaroon ng masarap na buhay.


Ngayon, gusto kitang tulungan na magkaroon ng tamang desisyon sa pagpili ng papasukin mong MLM Company. Ano nga ba ang batayan sa pagpili ng legitimate MLM Business? Pa’no ba natin ‘to malalaman?


Ang mga sumusunod ay mga importanteng bagay o factors na kaylangan isaalang-alang sa pagpili ng legal na MLM Business/Company dito sa Pilipinas.


MLM Attraction Marketing

1. Company Background/Profile

Una sa lahat bago ka man pumasok sa negosyo o sa kahit anong institusyon, kaylangan mo muna suriin ang background o profile ng isang Company at masusing pag-aaral tungkol dito. Ito ang isang importanteng factor na makakaapekto sayo at sa reputasyon mo kapag ikaw ay nagkamali. Ang track record, profile, achievements, awards, company plans, number of employees or business partners, quality products, certifications, business branches, company events and engagements, sponsorships, brand name, legalities, at mga taong natulungan ay mga bagay na dapat mo munang alamin para makakasiguro ka na legitimate MLM Company ang papasukin mo. Sa panahon ngayon lalo na marami ang naglalabasang scam reports and incidents, aware ka dapat at maging matalino sa pagpili ng Company para maiwasan mo ang anumang aberya habang ginagawa mo ang negosyo. Success starts with your wise decision! So please be at your best.


MLM Attraction Marketing

2. Products/Services

Marami sa mga Pinoy Networkers ngayon ang naka-focus lang sa pagbebenta ng products sa consumers – hindi lang ‘yung tingi-tingi kundi pati na rin ‘yung product package na bibilin mo para maging member. Hep..hep… bago mo gawin ‘yan importante na alamin mo muna ang quality ng products para hindi ka masira sa consumers o sa client mo. Kung ang products ng isang Company ay basic consumable needs tulad ng kape, shampoo, toothpaste, sabon, etc., dapat mong alamin kung ang mga ito ba ay legal, dumaan sa masusing pag-aaral at may certifications sa BFAD, FDA, Halal, GMP, DTI, at DOH recommended and approved. Kapag ‘yung products ay merong certifications ng mga nabanggit, ikaw ay 100% sure na legitimate ang MLM Company na papasukin mo. Alam natin na ang backbone and life of a Company ay ‘yung products or services na ino-offer nito. Kung mababa ang quality ng products or services, mababa ang sales. At kapag mababa ang sales, malaki ang chance na malulugi ang Company and most likely mag-sasara ito. Kaya aware ka dito para maiwasan mo ang malaking risk and business problems. Masarap gumamit ng products kung ito ay effective at aprobado, masarap i-push sa market at sa mga consumers/clients ang products ‘pag ganito at lalong masarap kumita ‘pag ‘yung products mo na ini-endorse ay mismong subok mo.


MLM Attraction Marketing

3. Compensation Plan

Ang susunod na dapat mong alamin ay ‘yung compensation plan o ‘yung mga paraan kung pa’no ka magkaroon ng income. Kaya tayo nasa networking ngayon ay dahil gusto nating kumita ng malaki at madali tama ba? Pero kung ‘yung paraan mo para kumita ay magbenta lang ng products sa tao, nasisiguro ko na hindi ka yayaman sa MLM Business. Ngayon, pano ka ba kumikita sa Company mo? Baka sobrang ganda nga ng products mo at sobrang dali ibenta pero halos wala ka namang kinikita. Ano kaya sa tingin mo ang mangyayari sa negosyo mo kung ang products na binebenta mo ay barya lang ang income/profit at walang override sa sales force? Sa tingin ko malabo kang umasenso sa ganyang sistema.


Importanteng alamin kung ‘yung sistema ng compensation plan ng MLM Company na papasukin mo ay maganda, kung ito ba ay maraming paraan para kumita, malaki ba ang income potential, malaki ba ang pay-out kaysa sa pay-in, at stable/sustainable ba ang safety net o ‘yung income na mapupunta at masi-save ng Company. Kapag malaki ng pay-out kaysa pay-in, malaki ang chance na malulugi ang safety net ng Company at babagsak ito. Ang safety net kasi ay ginagamit para masupurtahan ang operation ng Company. Dapat may stable/sustainable safety net at malaki ang pay-in ng Company na papasukin mo para alam mo na hindi ito malulugi.


MLM Attraction Marketing

4. Investment

Bago mo ma-enjoy ang kitaan sa Networking o MLM, kaylangan mo muna mag-join at pagkatapos ay mag-endorse o mag-sponsor ng ibang tao sa Network mo na magma-market din ng products or services ng Company. Ibig sabihin, mas marami kang mai-sponsor, mas malaki ang income mo. Pero, bago mo magawa ‘yan kaylangan mo ng puhunan o capital. Dapat maunawaan mo na business ang papasukin mo. Kahit anong business ay kaylangan talaga ng investment. Sabihin natin na sobrang laki ng kikitain mo kapag marami kang na-sponsor or napa-join na tao, sobrang ganda ng products at napakadaling ibenta sa clients/consumers pero ang puhunan naman na kailangan mong ilabas ay P20,000 pesos or higher, madali kayang mag-join at mag-sponsor? Oo, meron at meron kang mapapasali kahit ganyan kalaki ang puhunan na kailangan mo, pero sobrang limitado ng market mo kasi wala pa sa kalahati ng populasyon ng Pilipinas ang kayang maglabas ng P20,000 or higher agad-agad. I suggest na mas madaling mag-umpisa sa MLM Business kung ‘yung investment ay affordable ng karamihan at may magandang Company plan.


MLM Attraction Marketing

5. Certifications/Legalities

Huwag kalimutan na pinaka-importante sa lahat ay legal at certified ang MLM Company na papasukin mo. Mas masarap at kampante ka na gawin ang negosyo kung ang Company ay may certifications/legalities ng SEC, DTI, BIR, at iba pang business associations/institutions. Mas mainam rin kung may ISO Certificate ‘yung Company para sigurado ka na mataas ang quality ng company services and products. Kapag merong certifications ng mga nabanggit, you are 100% sure na legitimate ang MLM Company na papasukin mo at magtatagal.


MLM Attraction Marketing

6. Timing

Mahalaga rin ang timing para sa isang Pinoy Networker kasi ito ang magdi-determine ng market na meron ang prospect mo kapag sumali ito. Bakit kaylangan mo ng timing? Para kumita ka ng malaki, kailangan mo ng malaking sales force, tama ba? Kaya kailangan mong mag-sponsor ng tao gamit ‘yung products, compensation plan, at investment ng Company mo. Ngayon, kung ‘yung Company na papasukin mo nasa momentum ng kasikatan ay pwede mo agad sabayan. Samantala, kapag ‘yung Company naman ay matagal na sa industriya at medyo may katandaan na, mas mainam kung mag-survey ka muna tungkol dito at alamin mo ‘yung mga taong nasa loob ng circle nito para makapagdecide ka ng tama when to join or not. Ang track records ng Company ang magbibigay sayo ng tamang timing para maging worth it ang ilalabas mong investment. Give yourself enough time to decide. That’s the proper timing!


MLM Attraction Marketing

7. Right Group/Team

Ang pinaka-mahalaga sa lahat ay ‘yung pagpili ng tamang group/team na sasalihan mo sa Networking Business dahil ito ang magiging katulong mo kapag ginawa mo na ang negosyo. Kahit pasok ‘yung anim na important factors sa itaas dun sa Company na papasukin mo, pero hindi naman maaasahan yung team na sasalihan mo nasisiguro ko wala ring mangyayaring maganda sayo. Kaylangan mong maunawaan na Networking ang papasukin mo kaya mahalaga na alamin mo ‘yung standing ng group/team na pipiliin mo. Mahalaga sa lahat ang team sa Networking kaya kung nagbabalak kang maging isang successful na Pinoy Networker, ang pinaka-importante mong dapat gawin ay pumili ng grupo na makakatulong mo sa pagpapalago ng negosyo. Alamin kung meron ba silang mga training na naka-handa para sa’yo, meron ba silang business tools and effective marketing strategies na kayang ibigay sa’yo na kailangan mo para magawa mo ng tama ang negosyo, kaya ka ba nilang samahan sa ups and downs mo along the way of doing the business, at higit sa lahat may potential ba sila na tulungan kang maging successful entrepreneur. Hindi ‘to magiging madali, pero kung tama ang desisyon mo at handa kang tulungan at tumulong, halos kalahati ng success mo sa Networking ay nasayo na.


Sana nakatulong sayo ang post na ‘to para magkaroon ng kaalaman. Kung nagustuhan mo at sa tingin mo makakatulong sayo at sa magiging team mo, please hit like button and leave your comments below para malaman ko ang side mo. I appreciate it very highly.


Thanks for your time. Happy networking!


Your business partner to success,


Jeyrom Billan

Internet/Online Network Marketer and Blogger

Comments:

bottom of page