top of page
About the Author

What matters you most – to become HEALTHY, to become WEALTHY, or both? (Health and Wealth Tips)

If you want to attain something in your life, what would it be?


Some people might ignore this topic. Maybe the subject is not as much of their priority in life or too ambitious to dream of. But bear with me, if you’re a person with big dreams I’m sure that optimum health and wellness is on top of your list, right?


Why I Come Up With This Topic


May mga tao na sadyang walang pangarap sa buhay at kontento na sa mga bagay na meron sila. May mga tao namang maraming pangarap sa buhay pero hanggang pangarap na lang talaga dahil wala sa puso at hindi binibigyan ng tamang aksyon para makamit ang mga ito. At ang pinaka-worse sa lahat ay may mga taong walang ibang gustong gawin kundi ang matulog na lang ng matulog, humilata sa sofa sa sala at manuod ng telebisyon buong maghapon, kumain ng junk foods at uminom ng soft drinks araw-araw, kumain ng mga matatamis at matatabang pagkain, walang ehersisyo, at pagkatapos magrereklamo na “ano ba ‘yan, ang taba taba ko na!” o “grabe, mataas na naman ang blood pressure ko!”. Ang masaklap pa nyan ay may sakit na pala sa puso at iba pang vital organs dahil sa kapabayaan sa sariling kalusugan. Ganyang klase ba ng tao ang gusto mong maka-partner sa buhay at maging sa hanap-buhay? Hindi ko alam kung ano ang isasagot mo pero nasisiguro ko na hindi mo talaga gugustuhing maka-partner ang taong negative ang mindset at walang pakialam sa mundo.


MLM Attraction Marketing

Kaya ko naisulat ang blog article na ‘to para bigyan ka ng reminder na dapat mong i-prioritize kasi nung nakaraang araw may nakausap ako sa phone na isang kamag-anak (hindi ko na sasabihin ang pangalan para sa kanyang privacy) na may malalang heart disease dahil sa kapabayaan sa sariling kalusugan. Nakaramdam ako ng awa sa kanya at para sa kanyang pamilya dahil sya ang naghahanap-buhay. Sa madaling salita, sya ang “ama” ng kanilang tahanan. Napakahirap ng ganitong kalagayan dahil naranasan ito ng pamilya ko isang beses sa buhay nung na-heart stroke at na-paralyze temporarily ang father ko at wala pang pera. Ilang buwan din kaming naghirap at nagsakripisyo ng sobra para lang maka-recover sya at bumalik sa normal ang lahat. (Hindi ko na ikukwento ang buong istorya dahil sobrang haba at baka abutin tayo next year! :-)


MLM Attraction Marketing

Tips: “Magastos ‘pag nagkasakit at mas masakit sa bulsa kung walang panggastos sa sakit kaya dapat matuto tayong mag-ipon ng pera gaano man kalaki o kaliit ang kinikita natin.”


Kung ikaw ang tatanungin ko, gugustuhin mo bang magkaroon ng sakit kapag walang pera? Malamang “hindi” ang isasagot mo. Sino ba naman ang gustong magkaroon ng sakit, tama ba? Kaya lang minsan, mahirap ka man o mayaman, walang exemption pagdating sa ganitong bagay. Hindi talaga maiwasan ang pagkakasakit kahit gustuhin man natin na hindi ito mangyari. May mga pagkakataon na kung saan wala kang pera ay saka ito dadating ng hindi inaasahan. Nakakabaliw at nakakapanlumo ang ganitong sitwasyon. Kaya dapat paghandaan natin ito.


Ngayon papipiliin kita, ano ba talaga ang gusto mo sa buhay? Maging healthy o malusog at malayo sa sakit? Maging wealthy o mayaman? O parehong healthy and wealthy? O maging kontento ka na lang sa simpleng buhay na meron ka ngayon?


Kung ikaw ‘yung tao na kontento na sa mga bagay o sa simpleng buhay na meron ka ngayon, i-disregard mo na lang at i-close ‘tong blog site ko para hindi ko na masayang ‘yung time mo baka kailangan mo pa ‘yan sa ibang bagay. Pero bago mo gawin ‘yun sana naisip mo ‘yung sitwasyon na meron ang pamilya mo ngayon at baka kailangan na nila ng tulong mo at tulong ko.


Pero kung ikaw ay isang action-taker at taong may seryosong pangarap sa buhay, pwede mong ipagpatuloy at tapusin ang pagbabasa.


Sa part ng mga mahihirap na pamilya, kontento na sila maging healthy kahit walang pera basta walang sakit. Ika-nga, “health is wealth”. Sa ibang salita, ang kalusugan ay kayamanan at totoo naman talaga ito. Kapag wala kang sakit, walang gastos. Kaya lang, kontento ka na ba talaga sa pagiging healthy lang? Maging totoo ka sa sarili mo.


Samantala, may mga mayayaman o mga taong may maraming pera ang sakitin. Wealthy nga sila pero may poor health condition naman. Saan ba talaga tayo dapat lumugar? Ano ba talaga ang dapat nating piliin at ma-achieve sa buhay?


Sa mundong ginagalawan natin ngayon, mahirap pumili ng mga magagandang bagay na gusto nating makamit sa buhay. Kung ako sayo, mas gugustuhin ko maging both healthy and wealthy kahit mahirap itong ma-achieve. Bakit? Dahil wala ng mas sasarap pa kung ikaw ay malusog na, marami pang pera para sa pamilya.


MLM Attraction Marketing

Kaya may network marketing business o MLM Company na nag-ooffer ng health and beauty/health and wellness products like organic food supplements and organic beauty products and accessories para maging balanse ang buhay sa mundo. Ang organic o alkaline base products (or scientifically defined as soluble salt obtained from the ashes of plants and consisting largely of potassium or sodium carbonate) ay napaka-ganda sa ating kalusugan. “Mini-maintain nito ang balanseng porsyento ng mga vitamins and minerals na kailangan ng ating katawan para tumibay ang immune system and vital organs to fight against cardiovascular death and all kinds of diseases at nagsisilbi itong antioxidant or detoxifier para ma-expel ‘yung toxins and free radicals sa loob ng sistema ng ating katawan na nagiging dahilan minsan ng malalang sakit at pagkamatay”. At ‘yan ang ilan sa mga magagandang naidudulot ng organic food supplements sa ating katawan. Ayon sa mga Nutritionists, sa panahon ngayon, hindi sapat ang synthetic medicines o mga gamot, simpleng ehersisyo, nutritious foods, synthetic vitamins, para mabuhay tayong malusog at normal. Sa sobrang dami ng toxins or free radicals na nakukuha natin sa mga pagkain, usok ng mga sasakyan at sigarilyo, maduming tubig, stress, at maging sa magulo at stressful nating mundo malamang bibilis ang buhay mo. Kaya nagdisenyo ang MLM o network marketing industry ng healthy products at magandang sistema na pweding gamitin para maiwasan ang pagkakasakit at ma-achieve natin ang optimum health and wellness. Ang maganda pa nito, pwede mong i-offer sa iba para makatulong sa kanila at para maging sariling negosyo na pwedeng palaguin. Saan ka pa? May healthy business ka na, magiging malusog at mayaman ka pa at ang pamilya mo. Complete package talaga!


MLM Attraction Marketing

Health Tips: “Ang organic food supplements o alkaline base products ay kailangan ng ating katawan para mapunuan ang kakulangan sa vitamins and minerals. Pinapatibay nito ang ating immune system at vital organs para magkaroon ng resistensya laban sa kahit anong klaseng sakit. Nagsisilbi din itong detoxifier kung saan ini-expel nito ang toxins o free radicals sa sistema sa loob ng ating katawan para maiwasan ang pagkakaroon ng malalang sakit na magiging dahilan ng pagkamatay. Dahil dito, maa-achieve natin ang optimum health and wellness. Always remember, prevention is cheaper than cure.”


Sa panahon ngayon, hindi sapat ang healthy o wealthy lang. Maaring healthy ka nga pero wala ka namang sapat na pera para mabili ang gusto ng pamilya mo at mapasaya sila at mabigyan ng masarap na buhay. Pwede din namang wealthy ka nga pero marami ka namang sakit. Mauubos din ang pera mo sa pagpapagamot at maghihirap ka din sa bandang huli. Hindi ba mas maganda at wala ng mas sasarap pa kung ikaw ay “healthy and wealthy”, tama ba? Kailangan nating maging healthy and wealthy at hindi ito ipinagwawalang-bahala dahil mahirap ang buhay ngayon. Okay lang na mag-sacrifice tayo sa umpisa basta para sa pamilya natin. Sa pamamagitan ng MLM o network marketing industry, maa-achieve natin ito. Ganun kaganda ang networking kung alamin lang natin ang totoo at hindi ‘yung maniniwala agad tayo sa negatibong pananaw ng ibang tao. Sabi nga ni Robert Kiyosaki, “Why I recommend network marketing? The network marketing industry offers many unique benefits to those who want more out of life.”


Sabay-sabay tayong magkaroon ng healthy lifestyle and wealthy living para mas masarap mabuhay… mas masarap mabuhay kapag walang sakit ang pamilya… mas masarap mabuhay kapag marami tayong perang dudukutin sa bulsa. Habang may time ka pa, pwede mo ‘kong sabayan sa pag-iwas ng sakit at sa pag-iipon ng pera para sa pamilya. Kung ikaw ‘yung tipo ng tao na gustong maging healthy and wealthy in the near future, willing ako 100% na makipag-tulungan sayo patungo sa tagumpay.


Sana may napulot kang magandang idea sa post na ‘to para magamit mo sa araw-araw na pamumuhay. Kung meron man, please don’t be shy to share. You can also share your health and wealth tips to Filipino people by posting your comments below and clicking the like button.


Thanks for your valuable time reading this blog post.


Your business partner to success,


Jeyrom Billan

Health and Wealth/MLM Blogger and Online Network Marketer

Comments:

bottom of page